A new website has been launched for Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining at Kulturang Filipino at https://ajol.ateneo.edu/katipunan . This site will be archived on 31 May 2022.

Salaysây, Sagisag, Salitâ: Kritikang Patulâ sa Kultura ng Dahâs at Dayâ

Albert E. Alejo, SJ

Abstract

Kapalit ng isang akademikong papel, malay na ginagamit ng artikulo ang anyo ng pagtula bilang lunsaran ng pagsusuring panlipunan. Naghahain ang tatlong tula dito ng magkakaibang kondisyon ng pagkatha. Ang unang dalawang bahagi, ang “Sumpa sa Salita,” at “Tubaw” ay isinulat sa konteksto ng pagsasalita sa harap ng mga pagtitipon, pampanitikan man o relihiyoso, pagdiriwang o pakikiisa sa isang tunguhin. Samantala, ang ikatlong bahagi, ang “Bikoy, Anyare?” ay bunga ng personal na pakikisangkot ng may-akda sa pakikibakang panlipunan. Sa paggamit ng tula bilang anyo ng pagsusuring panlipunan, kinukuwestiyon din ng mga inihain ditong pagkatha ang hangganan ng panitikan at pakikibakang panlipunan, ng pagsusulat at pagsasapraktika ng panulat.

Keywords

tula; pagsusuring panlipunan; panitikan; salita; Simbahan

Full Text:

PDF

Refbacks

  • There are currently no refbacks.