Plantita

Leia Margarita Canuto, Julianna Gabrielle S. Feliciano, Luis Ysabel L. Lacanlale, Mariane Angeli L. Lubo, Bernice Amanda A. Mendoza, Joan Elery D. Torres

Abstract

Isang nausong neolohismo ang “plantita” ngayong 2020 sa gitna ng COVID-19 quarantine. Pinaghalong “plant” at “tita” ang terminong “plantita” na ginagamit bilang pantukoy sa mga babae, na namumuhunan ng oras, tiyaga, at pera sa pangongolekta at pangangalaga ng mga halaman. Nakababawas ng stress at pinagtitibay raw nito ang pagkamakakalikasan. Subalit, lalong nakasisira ang kulturang ito sa biodibersidad, lalo na sa natural na paglaganap ng mga halaman. Sa patuloy na pagtaas ng demand, pinagtuonan ng pansin ng mga nagbebenta ng halaman ang plant poaching bilang paraan para kumita nang mabilisan sa gitna ng economic recession na dulot ng pandemya. Dahil dito, nanganganib ang mga ecosystem at mga halamang bihira nang makita. Kasabay nito, nagtaas na rin ng presyo ang mga supplier at mga negosyante, at nagiging resulta nito ang pagiging eksklusibo ng mga halaman sa mayayaman at may-kaya. Ang paggamit naman ng mga artista at influencer sa social media upang ibida ang kanilang mga mamahalin at hindi pangkaraniwang mga halaman marahil ang lalong nag-udyok sa karamihan na maging interesado sa kultura ng paghahalaman dahil sa pagiging status symbol nito. Karaniwang ginagamit ang katawagang “plantita” bilang simbolo ng pag-angat sa hirarkiya ng lipunan. Binibigyang-diin nito ang lumalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Mas lalo nitong inihihiwalay ang mga taong may kakayahang maglaan ng malalaking halaga ng salapi para magkaroon at mag-alaga ng mga mamahaling halaman na ipinapalamuti lamang sa loob ng kanilang mga tahanan, pati na rin sa kanilang mga social media, sa mga miyembro ng lipunan na mas pinipiling pagkakitaan na lamang itong trend na ito, at ilaan ang kanilang kita para sa mga pangunahing pangangailangan.

unang ipinasa: 21 Nobyembre 2020
tinanggap para sa publikasyon: 3 Disyembre 2020


Keywords

plantita, plant poaching, halaman, houseplants, quarantine, pandemya, antas sa lipunan

Full Text:

PDF

Refbacks

  • There are currently no refbacks.