De/Mitolohisasyon ng Aswang: Isang Pagbasa(g) sa Mito Bilang Sakit ng Lipunan

Chloe V. Cabodil, Jaco B. Tango

Abstract

1986 nang magsimula ang tambalang Lore Reyes at Peque Gallaga sa pagpapalabas ng mga kwentong bayan at katatakutan sa pelikula. Tumabo sa takilya ang mga idinerehe nilang installments ng Shake Rattle and Roll (1990-1992); Aswang (1992); Hiwaga sa Balete Drive (1988) at marami pang iba. Tinatangka ng papel na ito na isalang sa pagsusuri ang pelikulang Sa Piling ng mga Aswang (1999) nina Reyes at Gallaga. Babalangkasin ng mga mananaliksik ang agapayan ng mga katangian ng aswang sa pagitan ng imahen nito batay sa katutubong paniniwala at imahen nito sa pelikula at sa kung paanong mayroong intertekstuwalidad ng kasaysayan, lipunan, at modernidad ang mga ganitong teksto. Sisipatin ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na hati: una, ang mito ng aswang; ikalawa, ang aswang bilang idiyosingkrasya; at ikatlo, ang pangangaswang sa pelikula at lipunan. Sa kabuuan, isinasalang ng mga mananaliksik ang pelikula sa pagbasa na ang aswang ay manipestasyon ng panlipunang kanser sanhi ng kultura ng takot at pananakot sa Pilipinas.

unang ipinasa: 15 Oktubre 2020
tinanggap para sa publikasyon: 25 Nobyembre 2020


Keywords

aswang, idyosingkrasya, mitolohiya, takot, XDP

Full Text:

PDF

Refbacks

  • There are currently no refbacks.