A new website has been launched for Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining at Kulturang Filipino at https://ajol.ateneo.edu/katipunan . This site will be archived on 31 May 2022.

Pinusong sa Panahon ng “Veerus”: Ang Tula sa Internet Bilang Kontra-Pusong

Eliodora L. Dimzon, John E. Barrios

Abstract

Naglalayong mailantad ng papel na ito ang mga tula sa internet na may katangiang pinusong at maitanghal ang mga ito bilang kontra-pusong sa panahon ng “veerus” o panahon ng pandemya sa ilalim ng pamamahala ni Duterte, na kinikilala rin bilang “pinunong pusong” (sovereign trickster) ayon kay Vicente Rafael. Gamit ang teoryang carnivalesque ni Mikhail Bahktin, binasa ang mga tula ng makatang pusong sa layuning mailantad ang gawaing pagbabaligtad at pagtumba ng kaayusan bilang politikal na proyekto ng pagbalikwas sa diskurso ng “veerus” na siyang kinokonstrak ng “pinunong pusong.” Sa tradisyonal na pagbasa ng pinusong, ipinalalabas na ito ay karaniwang gawaing pangungutya at pagbabaligtad ng mababang uri ng kaayusang pumapabor sa naghaharing uri. Subalit lumalabas na ang mga tulang isinulat bilang pinusong ay maaaring hindi limitado sa artikulasyon ng mababang uri sa dahilang ang mga ito ay markado ng pagiging edukado at pagkakaroon ng modernong rasyonalidad ng makatang sumulat. Batay sa naunang konstruksiyon ng “pinunong pusong,” ang mga binasang tula ay maituturing nang kontra-pusong at maituturing nang taliwas sa tradisyonal na konsepto ng pusong sa kabila ng pagpapatuloy pa rin ng pinusong na praktis ng pagtatanghal ng mali, ng pangit, ng madugo, ng bastos, at ng pagpapalusot.

unang ipinasa: 29 Setyembre 2020
tinanggap para sa publikasyon: 25 Nobyembre 2020

Keywords

pusong, pinusong, kontra-pusong, carnivalesque, pandemya, politikal, dominanteng uri, Internet

Full Text:

PDF

Refbacks

  • There are currently no refbacks.