Wikang FIlipino, Wikang Pa(pa)tay: Tokhang, Pagpatay, at ang Kasalukuyang Danas ng Wikang Filipino

Maria Nikka P. Policarpio

Abstract

Nang magwagi ang “tokhang”bilang Salita ng Taon sa ginanap na Sawikaan 2018 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) katuwang ang Filipinas Institute of Translators (FTI), nagkaroon ng muling pagtingin sa kapangyarihan ng wika na magbago at magpabago. Ilang araw matapos ito, ginulantang naman ng Korte Suprema hindi lamang ang mga iskolar kung hindi ang buong akademya, lalo na ang mga nag-aaral ng Filipino at Panitikan, sa desisyon nitong tanggalin ang dalawang nabanggit bilang mga asignatura sa kolehiyo at panatilihin ito, nang walang kasiguruhan, sa loob ng kurikulum ng K-12. Tila cha-cha ang dalawang eksena sa usapin ng sitwasyong pangwika (na hindi na rin naman bago): urong-sulong, sumasabay sa musikang pinapatugtog ng kung sino mang nakaupo. Ang epekto? Pabago-bago at marupok na sandigan ng isang bayan na unti-unti ay tinutukhang. Sa maikli ngunit magulong kasaysayan ng ating wikang pambansa, napakarami na nitong dinanas na pagbabago hindi lamang mula sa mga gumagamit nito, ngunit pati na rin sa mga sang-ayon at salungat rito. Ayon nga sa nagpanukala ng “tokhang” bilang Salita ng Taon na si Mark Angeles, ang mga nagwawaging salita ng taon ay marka ng isang kasalukuyan, at repleksiyon ng isang magiging bahagi ng kasaysayan sa nalalapit na hinaharap (2018). Ang ating araw-araw na paggamit ng wika ng isang panahon, partikular ng isang salita, ay pagpapalawig ng isang ideolohiya ng hindi natin tunay na namamalayan kung hindi tunay na bibigyang-pansin. Sa papel na ito, ilalarawan ang pagbabagong dulot ng pagpapalaganap ng isang salitang nakakawing sa krimen at pagpapatay, at kung paanong tumitining dito ang kasalukuyang tindig ng wikang Filipino.

Keywords

tokhang; krimen; Bato Dela Rosa; amalgamasyon; wikang Filipino; pambansang wika; pagbabago; pagpatay; krimen

Full Text:

PDF

Refbacks

  • There are currently no refbacks.