Desakralisasyon ng “Sakuna” Bilang Disaster sa Karanasang Filipino

Alvin B. Yapan

Abstract

Ginagamit ng papel na ito ang karanasang Filipino bilang angkla sa pag-aaral kung paanong ang konseptuwalisasyon ng engkuwentro ng tao sa likas na kalamidad ay saksi sa isang pagbabago mula sa “sakuna,” bilang isang panloob na kalagayan ng pagkabalisa, tungo sa “disaster,” bilang isang pagkasira ng mga prosesong panlipunan. Ginagamit ng papel bilang materyang teksto ang panitikang oral mula sa tradisyong premoderno hanggang sa kontemporanyong panitikang nakasulat na nirepresenta ng paglitaw muli ng materyal na paglalarawan ng likas na kalamidad sa mga nobela ni Antonio Abad (La Vida Secreta de Daniel Espeña), Bienvenido Santos (The Volcano), at Liwayway Arceo (Canal de la Reina). Ipangangatwiran ng papel na ito kung papaanong ang pagbabagong ito mula “sakuna” tungong “disaster” ay mababasa sa tagpuan ng isang lumalalang pagsasapare-pareho at debitalisasyon ng lipunan na nagdudulot ng desakralisasyon ng engkuwentro ng tao sa mga likas na kalamidad. Gagamitin ng papel bilang balangkas ang teorya ng relihiyon at karanasang panloob ni Georges Bataille kung saan pinag-iiba niya ang banal at dahay, at ipinanunukala ang pagbalik sa erotisismo bilang pagnanasa para sa transgresibong pagbabago sa gitna ng konsepto ng “sakuna.”

Keywords

sakuna; disaster; kaayusang kosmiko at mora; karanasang panloob; pagkabalisang pandamdamin at pangkatawan; pagbabago at pagnanasa; mga prosesong panlipunan; pamamahala sa panganib ng disaster; likas na kalamidad; banal at dahay; mito; kalikasan at kultura

Full Text:

PDF

Refbacks

  • There are currently no refbacks.