Ang Filipino Bilang Disiplina: Sakop, Lawak, at Potensiya ng Pagtuturo ng Panitikan Kaugnay ng Bagong Kurikulum Bunsod ng K to 12

Rebecca T. Añonuevo

Abstract


Ang Filipino ay hindi lamang midyum ng pagtuturo o disiplina; ito ay isang
pambansang pananagutan. Ang papel ay kritikal na paglilimi sa sistema ng
edukasyon na pinaiiral sa kasalukuyan, samantalang iginigiit ng Kagawaran ng
Edukasyon ang pagpapatupad ng bagong kurikulum kaugnay ng K to 12. Ano ang
mga konsekuwensiya ng agarang pagpapatupad ng batas? Ano ang magagawa ng
guro sa panitikan at wika, gayong inalis o kinalos ang mga ito sa kolehiyo? Ano
ang parikala ng bago sa pagbabagong inaasam sa edukasyon ng ika-21 siglo? Isang
pauna ang papel sa direksiyong tinatahak ng pamahalaan at mga institusyon,
samantalang hindi humuhupa ang tinig ng sumbat at pagtutol.


Keywords


Filipino; K-12; educational system; Kagawaran ng Edukasyon; mga guro sa panitikan at wikang Filipino

Full Text:

PDF


DOI: http://dx.doi.org/10.13185/KA2016.00103

Refbacks

  • There are currently no refbacks.